Pages

Sunday, May 12, 2013

Halalan 2013

Matuto na kaya tayo ngayon?  Hindi naman pang-kamote ang level ng IQ ng mga Pinoy...pero bakit kapag andyan na ang resulta ng eleksyon...kamote pa din?

Kainitan ng tanghali, heavy ang traffic kahit Labor Day.  Maraming tao ang naglalakad sa daan, sa ilalim ng napakainit na sikat ng araw.  Sari-sari, may matanda, bata, may mga nanay na may dalang mga sanggol.  Halos lahat sila nag-uusap sa daan, hindi din alintana ang pagsisikip ng daan para mga motoristang kagaya ko.  Sinakop na nila ang buong kalsada, kaya napakahirap sa mga sasakyan ang umusad.  Binuksan ko ng kaunti ang bintana, para kasing may away sa daan. 

"Gutom lang dyan!  Wala naman tayong mapapala!," sigaw ng isang ale na tantya ko ay isa ng botante.

"May pinamigay bang pera?  Wala kaming nakuha," ani ng isa pang babae na madaming akay na anak at isang matandang lalaki. 

Akin napag-alaman na sila pala ay galing sa isang kampanya ng ilang politiko.  Marami sa kanila na malinaw na hindi naman sinusuportahan ang mga kandidato.  Nagpunta sila sa kampanya na yon sa pag-asang may makukuha silang pera sa mga ito.

Hindi ko na nagawang bumusina sa pagka-ipit sa daan...sa mga sasakyang namumulot ng pasahero na galing sa kampanya.  Isinara ko ang bintana.  Madami silang nagtatanungan kung mayroon binigay na pera ang mga kandidato.  Nakakalungkot.  State of the nation ba ito?

Umusad na ang traffic. Ilang saglit lang ay tumambad na sa akin ang slum area na isinunod sa pangalan ng isang kilalang tourist destination... hindi dahil sa white sand...walang white sand doon, burak madami.  Sira na ang ecosystem sa lugar na iyon.  Ilang politiko na din ang umupo at umalis sa pwesto, but there were no sustainable measures to alleviate poverty, or at least, preseve the ecosystem in that area.  Ayoko na itong dugtungan...at kung may isusulat pa man ako dito sa paragraph na ito...alam nyo na yon.

-----------------------------------

Napapaligiran ako ng mga pamilya at kaibigan na pinag-iisipang mabuti ang mga politiko na kanilang ihahalal...pero kahit ano ang gawin namin...marami pa din sa ating mga kababayan ang handang magbenta ng kanilang boto?  Marahil ay dahil sa kahirapan...para sa isa, dalawa, o tatlong araw pantawid gutom...kapalit ng ilang taon pag-abuso sa batas, kalikasan, karapatang pantao, at pagnanakaw ng pondo ng bayan?

Nakakalungkot na madaming politiko ang nagsasamantala sa sitwasyon ng mga kapus-palad nating kababayan?  Bakit ako sobrang vocal ngayon???  Mas madami kasi tayong kababayan na namumuhay below poverty line...mas madami din silang boto.  Kung ang sikat na DJ na si Papa Jack ng Love Radio ang sinasabihan ko nito, malamang ang sagot nya lang sa akin...'Nganga!'  Kung baga sa traffic ay grid lock...para bang walang pag-asa.

Given na ganito ang takbo ng halalan at politika sa ating bansa, ayoko magpadala sa sistema.  Tiyak na madami pa din sa atin ang gusto ng magagandang pagbabago...ayaw na namin sa bulok!  Ayaw namin ng corrupt!  Ayaw namin sa mga TRAPO! 

Bukas, boboto ako...Kumpleto na ang listahan ko ng 12 Senators...pero mapupuyat ata ako ngayon.  I find it difficult to complete my list of candidates for local positions...wala kasing bago.  Madami pa din trapo or political dynasty lang ang peg.

Wala akong pakialam kung ang ilang iboboto ko ay hindi pa siguradong mananalo...gamit ko ang aking isip at konsensya, boboto ako ng tama na may pag-asang sa buong lifetime ko man lang sana ay makita ko na talaga umayos ang Pilipinas.  Sino pa ba naman ang magpapahalaga sa bayan, kung hindi tayo din naman, di ba?  Sana ay gawa na ang listahan nyo at bukas bumoto na tayo ng tama. 

So help us, God. 



-----------------------------------

Video credits

Embedded video from YouTube.com:  'Dapat Tama' Gloc 9 featuring Denise Barbacena - GMA7 info-mercial, Election 2013. 


Grabbed from http://www.mysimplethoughtsonline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment