Ilang buwan na din naman panhik-panaog sa bahay namin itong si BFD. Literal yang panhik-panaog na yan dahil paakyat pa lang ng sala (living room) ng bahay namin ay may hagdan na. Pormal ko syang pinakilala sa buong pamilya namin bilang BFD ('da BF). Sa edad ba naman namin na ito ay magtatago pa kami sa label na 'exclusively dating'? Mabuti na yung malinaw at pormal, in a way, ay maaga kami mabibigyan ng blessing ng aming mga pamilya...in case things get serious.
Pag sinabi ko palang pamilya, ibig sabihin nito ay kasama ang mga Uncle / Auntie / Pinsan / Pinsan ng Nanay ko...malaki kaming angkan. The more, the merrier.
At yun na nga...things got serious...at mas serious din ang pagbabantay ng Tatay ko kagaya ng ganito eksena:
Tatay ko (kakausapin si BFD while watching wrestling on TV): BFD, halos alas-nwebe na (almost 9PM), gabi na. Mapupuyat ang anak ko.
Syempre, magalang si BFD. Tumango lang. Siya na ang polite. Ako naman ay nagtangkang mangatwiran.
Me: Tay, 30++ na ako, wala na ako Quarterly Exam sa school. Matagal na ako graduate sa school.
BFD: Sige po, 'Tay. Tuloy na po ako. Uuwi na po ako.
Talaga palang hindi matatawaran ang pagiging Coach ng Tatay ko sa basketball noong araw. Mahigpit itong magbantay. Kahit siguro tawagin natin ang lahat ng Point Guard noong panahon ng Crispa at Toyota sa PBA, eh hindi aatras itong Tatay ko. (Trivia: ang naabutan ko ay ang matinding rivalry na ng Ginebra at Purefoods...and I'm a fan of Ginebra!)
Mabalik tayo sa 'things got serious' na 'yan...Isang umaga ay sinabi ko sa Tatay ko na napag-uusapan na namin ni BFD ang 'possibility of marriage.' Ang tagpo ay maikukumpara sa old-fashioned Tagalog movie na black-and-white film pa at medyo may 'ulan' sa screen katulad ng mga pelikula ng Sampaguita Pictures. Kami na!
Almusal. Pasimula pa lang ang isang tila magandang araw. Aking binasag ang katahimikan nang aking tanungin...
Me: Tatay, papayagan mo na ba ako na lumagay sa... yung medyo tahimik naman?
Iinom sana ng kape ang Tatay ko...ang sama din naman ng timing ko...Siya ay biglang natigilan na para bang pansamantalang huminto ang kanyang mundo...hindi nya na nagawang ipatong muli ang kape sa mesa. Nanatili ang kanyang mahigpit na paghawak sa tasa ng kape. Hindi nya ito mainom. Bigla may nangilid na luha sa kanyang mga mata...
Tatay Ko: Seryoso ka ba, Anak?
Me (ako na ang mapang-asar, parang Vice Ganda lang): Hindeee!!! Syempre naman, Tatay, seryoso ako...mukha ba akong nagbibiro? (sabay nilakihan ko ang aking mata)
Hindi na natuloy uminom ng kape ang Tatay ko noong umagang iyon...napaluha sya, pero sabi nya slight lang naman daw. Weeeehhhh!
Pero hindi pa din sya tapos sa pagbabantay...Isang gabi, hinatid ako ni BFD sa bahay matapos namin mag-dinner sa aming ancestral house sa Kawit.
Tatay Ko: (nakaharap ulit sa TV, PBA naman ang pinanonood) Anong oras na?
BFD: Tay, wala pa po alas-nwebe.
Tatay Ko: Talagang kulang ang mag-hapon sa inyong dalawa.
At hindi na kumibo ang Tatay ko. Kinabukasan ay pumunta sya sa Auntie ko at doon nag-report. Humingi siya ng isang tasang kape, at habang ito ay kanyang hinahalo nagsimula na sya magsabi ng 'issue' kay Tita Edna...
Tatay ko: Alam mo ba Edna, 'Tatay' na ang tawag ni BFD sa akin!
Tita Edna (tumawa lang): Sa kasal nila, ipagdadala kita ng tuwalya...kulang sa'yo ang panyo. Baka doon ka pa umiyak ng todo sa Simbahan. Matanda na din ang anak mo, hindi na bagay sa eksena kung iiyak ka pa don.
Napaluha na naman ang aking Tatay...parang walang makaintindi sa kanyang feelings...at muli na naman na hindi siya nakapag-kape.
Isa itong bagay na parang puzzle sa amin ni BFD - kung paano tila dinaramdam ng aking Tatay ang 'idea na ako ay lalagay na sa medyo tahimik.' Siguro nga, totoo na ako ay 'Daddy's Girl.' Kung naging rocker naman ang Tatay ko, malamang nasa genre sya ng 'emo rock'. \m/ Don't get me wrong, love ko si Father Dearest. Siguro kung parents na din kami ni BFD baka mapatakbo pa kami ng half marathon sa ganitong situation.
Ilang linggo bago ang pamamanhikan (traditional engagement dinner), kasama ako ni BFD sa kanyang preparation. Sino ba naman ang hindi kakabahan kahit 30++ na kami at pwede naman magpakasal agad-agad? Syempre, mahalaga ang blessing na manggagaling sa pamilya ng bawat isa. At ang Golden Question: Paano kaya namin maitatawid ang mula sa PANHIK-PANAOG patungong PAMAMANHIKAN? Paano kaya iyon tatanggapin ni Father Dearest? Hindi nga ako ang mamanhikan pero noon iniisip namin, palihim, ako ang kinabahan.
Kung may sariling song for the wedding ang Tatay ko, malamang ito 'yon. =)
Butterfly Kisses
BobCarlisleVEVO http://www.youtube.com
Music video by Bob Carlisle performing Butterfly Kisses (C) 2005
Provident Label Group
ahaha...naaliw nmn ako =) kung may title n pang MMK "KAPE" ang title non he he...I'm happy for both of you
ReplyDeleteHi Julie,
DeleteThanks for dropping by my blog. Natuwa din ako kasi madami naaliw, naka-relate, at meron din nag-share ng experience nila thru SMS and Facebook.
Stay in-love sa life!
Ann =)