PANIMULA: Walang kinalaman sa pelikulang Tanging Yaman ang akdang ito. Wala din ako mga violent scene na maaaring maibahagi sa inyo. Sa ilan na nagpadala ng liham (email), narito na ang tugon ko sa inyong request na magsulat tungkol sa 'Pamamanhikan.' Muli kong pinili na ibahagi ang kwento sa wikang Tagalog dahil na rin ang 'Pamamanhikan' ay bahagi na ng kulturang Filipino.
----------------------------------------------------
Tubong Cavite ang buong pamilya namin. Ang Tatay ko ay nabibilang sa henerasyon na sumubaybay sa mga anting-anting o agimat (amulet) sa Cavite. Kung totoo man na may anting-anting, mahihirapan ang Tatay ko maghanap nito para kontrahin ang nararamdaman nyang...ah, stress (?)...tungkol sa nalalapit na Pamamanhikan nila BFD at ng kanyang mga magulang. Nasa denial stage pa ang Tatay ko.
Larawan mula sa video48.blogspot.com |
Kinakabahan si BFD...ganon din ako. Nag-aalala kasi sya na baka hindi pumayag ang Tatay ko na magpakasal kami. Malamang, baka magtanan (elope) na lang kami, but since 30++ na kami, baka out-of-the-country kami magtanan. Kami na ang 30++ pero kinailangan ng parental consent??? Amasavehhhh!!!
Mahalaga ang Pamamanhikan sa amin. Sa kulturang Pinoy, ang Pamamanhikan ay isinasagawa ng isang nobyo (The Boyfriend) kasama ang kanyang mga magulang (The Parents). Sila ay pumupunta sa tahanan ng nobya (The Girlfriend) at doon nila ipinagpapaalam sa mga magulang ng nobya ang ibig ng nobyo na sila ay makasal na. The Boyfriend, together with his parents, formally asks The Parents of the Girlfriend for their daughter's hand in marriage. Ayan ha, ganyan yan. Tradition also dictates that The Boyfriend and his family must bring food, which they will share with The Girlfriend's family.
Pumunta ako sa ancestral house para kausapin ang mga Auntie ko na maging 'arbiter' kung sakaling i-decline ni Father Dearest ang request ni BFD na kami ay maging formally engaged to wed.
Tita Lou: Yan, Tatay mo, ibang klase. Alam mo ba noon namanhikan yan sila para sa Nanay mo noong araw, pati panggatong na kahoy, dala nila dito. (Pamamanhikan ng Tatay Ko, circa 1977, wala din pang alam sa gawaing bahay ang Nanay ko noon).
Tita Edna: Naku, ihahanda ko na ang towel.
Me: Ano ba, bakit may towel pa?
Tita Edna: Sa kasal nyo, kulang ang panyo sa Tatay mo. Iiyak na naman yon.
Tita Bel: Sige, kakausapin namin ang Tatay mo. Mahirap na baka maging katulad ka namin matandang-dalaga. (Spinsterhood: it runs in the blood.)
Napagkasunduan namin ni BFD na isasama namin ang mga Auntie ko sa engagement dinner sa bahay. Isa pang source of stress ni BFD ay kung ano ang dadalhin nilang pagkain, kasi sobrang health conscious ng Tatay ko - marami syang ayaw na pagkain.
Me: Nanay, pupunta dito sila BFD kasama ang parents nya. Ikaw na bahala sa Tatay.
Nanay ko: Sige, dinner sila pupunta, ano? Teka, bakit pa kasi sa summer pa kayo magpapakasal? Gawin nyo ng January kasi.
Me: Agad-agad?
Atat na magka-apo ang Nanay ko (to be continued ang eksenang ito mamaya).
Mabalik tayo sa Pamamanhikan...dumating na din ang araw na itinakda. Hindi sumabay mag-dinner sa amin ang Tatay ko. He just stayed in front of the TV. Walang imik. After dinner, my mother and BFD's parents joined Father Dearest in front of the TV. Nagsalita na ang Tatay ko, pero ito ay tungkol sa kahalagahan ng pagkain ng gulay sa aming pamilya, lalo na ng malunggay (moringa) at saluyot (jute mallow). Bumangka ng kwento ang Tatay ko at humaba na nga ang usapan ng magkabilang partido tungkol sa wastong pagkain. Parang walang balak ang Tatay ko na pag-usapan ang kasal.
At dahil medyo allergic na si BFD sa alas-nwebe ng gabi (dahil 'curfew' yon ng Tatay ko para sa kanya), pagsapit ng alas-nwebe ay sumali na sa usapan si BFD...baka siguro pauwiin na naman sya.
BFD: Tay, pumapayag na po ba kayo na magpakasal kami?
Ang Tatay ko ay biglang natigilan. Wala talagang mabisang anting-anting para huwag tuluyang tumigil ang mundo nya kapag kasal na namin ni BFD ang usapan. Naroon na naman ang tila pamilyar na luha sa kanyang mga mata...mga mata na pilit ikinukubli ang pagkabalisa...pawang nakatuon ang paningin sa telebisyon na kanina pa ay wala naman nang naipakitang anumang palabas (naka-off na kasi ang TV). Hindi na rin nya pinahintulan ang sariling uminom ng kape, bagkus, sya ay uminom ng red wine na tila bang may halong pagdarasal na sya ay ilayo sa heart disease dahil sa nadaramang halong tuwa at kalungkutan. Mag-aasawa na ang pinakamamahal nyang anak na babae (ako yan!). At sa ilang saglit pa ay sinubukan nya uling iparinig sa lahat ang kanyang boses na kanina ay parang naglaho na lamang.
Tatay ko: Pumapayag na ako...Gawin nyong mas maayos ang buhay nyo ng Anak ko. Noon yan ay maliit na sanggol pa lang, ako pa ang bumabangon tuwing umiiyak sya sa gabi para ipagtimpla sya ng gatas...
Tahimik ang lahat. Sinikap ng Tatay ko na huwag syang tuluyang lumuha...para na rin sa akin kasi nakita nya na masaya kami ni BFD.
Hinintay ko sabihin ng Tatay ko na hindi ako marunong ng gawaing bahay...aapila ako...marunong ata ako! Tinuruan ako ng lola ko na magluto at maglaba. Though hindi ko core competencies ang mga iyan, pwede naman outsource ang mga iyan.
Naka-set na lahat para sa kasal. Pumayag na ang Tatay ko sa wakas. Nitong huli lamang ay dumalo kami sa kasal ng pinsan ko. Kasama syempre ang parents ko at si BFD. Given naman na sa akin ipapasa ang bouquet, at ang garter ay kay BFD. You guess it right, hindi na naman maipinta ang mukha ng Tatay ko. =)
----------------------------------------------------
...continuation ng eksena ng Nanay ko.
Iba naman ang perspective ng Nanay ko. Moment nya ito....
Noon nag-retire ang Nanay ko sa pagiging educator may feeling sya na 'incomplete' dahil wala pa syang apo...kapag sinasabihan nya na ako na parang wala akong balak mag-asawa ay kulang na lang sabihin nya na 'she's a failure (sobfest)'...kaya ayun, noon 60th birthday nya, binigyan ko sya ng pet dog para makapag-practice na sya mag-alaga ng bata.
At nang minsan ay naabutan ko ang Nanay ko na kausap si Brian, ang aming pet dog.
Nanay ko: (habang bitbit ang aso) Brian, what is that?
My mother pointed to a cat. Brian the dog looked at the cat.
Nanay ko: Brian, that's a cat...and what did the cat say?
Brian just stared at the cat.
Nanay ko: The cat says, 'meow, meow.'
CONCLUSION: Masakit sa bangs ang eksenang yan. Kailangan na nga ng Nanay ko ng apo.
ha ha ha...nakakaaliw tlga ang mga eksena =)
ReplyDeleteThanks, Julie!
ReplyDeleteI hope that other readers are also able to appreciate the value of a familial, innate bond called 'family'. To us Pamamanhikan is more than a tradition, it's one way of honoring our family and appreciating their effort in preparing us for a lifetime vocation, in this case, marriage. =)
Napangiti naman po ako nung nabasa to.
ReplyDeleteMamanhikan na din kasi ang bf ko samin this coming Feb. 15 kaya nagsearch ako ng blogs regarding pamanhikan at nakita ko po itong writings nyo :-)
Kinakabahan kc ako.. haha!
Salamat pero napagaan po ng story nyo ung nararamdaman ko now. :-)
Unusual nga po ang pamanhikan namin dahil pupunta ang family ng bf ko sa bahay pero si bf eh nasa ibang bansa, asam Skype lang xa! hahah!
Gusto na daw kc nyang ipagpaalam ako sa family ko bago ako naman ang mag-abroad. :-)
Shinare ko lang din po :-) hindi na po ako kinakabahan, ngaun more on excitement na nararamdaman ko! heheh..
Thank you po sa article nyo :-)
Maraming Salamat sa pagbasa sa aking blog. Natutuwa ako para sa iyo. Natutuwa din ako dahil nabigyan nyo ng pagpapahalaga ang pamamanhikan. :)
DeleteBest wishes to you and your fiancé. :)